Tagalog (John and James) Bible

John 20

John

Return to Index

Chapter 21

1

  Pagkatapos ng mga bagay na ito, nagpakitang muli si Jesus sa kaniyang mga alagad sa lawa ng Tiberias. Ganito siya nagpakita: 

 


2

  Magkakasama sina Simon Pedro at Tomas na tinatawag na Kambal at si Natanael na taga-Cana ng Galilea, ang mga anak ni Zebedeo at dalawa pang mga alagad. 

 


3

  Sinabi ni Simon Pedro sa kanila: Mangingisda ako. Sinabi nila sa kaniya: Sasama rin kami sa iyo. Lumabas sila mula roon at agad-agad na sumakay sa bangka. Wala silang nahuli nang gabing iyon. 

 


4

  Nang magbubukang-liwayway na, si Jesus ay tumayo sa tabing-dagat. Gayunman, hindi nakilala ng mga alagad na iyon ay si Jesus. 

 


5

  Sinabi nga ni Jesus sa kanila: Munting mga anak, may makakain ba kayo? Sinagot nila siya: Wala. 

 


6

  Sinabi niya sa kanila: Ihagis ninyo ang lambat sa dakong kanan ng bangka at makasusumpong kayo. Inihagis nga nila at hindi na nila kayang hilahin ang lambat dahil sa rami ng isda. 

 


7

  Kaya ang alagad na iyon na inibig ni Jesus ay nagsabi kay Pedro: Ang Panginoon iyon. Nang marinig ni Simon Pedro na ang Panginoon iyon, isinuot niya ang kaniyang pang-itaas na damit. Isinuot niya ito dahil siya ay nakahubad at tumalon siya sa lawa. 

 


8

  Ang ibang mga alagad ay dumating na sakay ng maliit na bangka. Hinihila nila ang lambat na may mga isda. Hindi sila gaanong malayo sa pampang kundi may isang daang yarda lamang ang layo. 

 


9

  Pagkalunsad nila sa lupa, nakakita sila ng mga nagbabagang uling. May mga isdang nakapatong doon. May mga tinapay rin. 

 


10

  Sinabi ni Jesus sa kanila: Dalhin ninyo rito ang mga nahuli ninyong isda ngayon. 

 


11

  Umahon si Simon Pedro. Hinila niya ang lambat sa aplaya. Ang lambat ay puno ng mga malalaking isda, may isandaan at limampu`t tatlo ang kanilang bilang. Kahit na ganoon karami ang isda ay hindi napunit ang lambat. 

 


12

  Sinabi ni Jesus sa kanila: Halikayo at mag-agahan. Walang sinuman sa mga alagad ang nangahas na magtanong kung sino siya. Hindi sila nangahas na magtanong dahil alam nila na siya ang Panginoon. 

 


13

  Lumapit si Jesus, kinuha ang tinapay at ibinigay sa kanila. Ganoon din ang ginawa niya sa isda. 

 


14

  Ito na ang ikatlong ulit na ipinakita si Jesus sa kaniyang mga alagad mula nang siya ay ibinangon mula sa mga patay. 

 


15

  Pagkatapos nilang mag-agahan, sinabi ni Jesus kay Simon Pedro: Simon, anak ni Jonas, iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito? Sinabi niya sa kaniya: Opo, Panginoon. Alam mong may paggiliw ako sa iyo. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Pakainin mo ang aking mga batang tupa. 

 


16

  Sinabi niyang muli sa kaniya sa ikalawang pagkakataon: Simon, anak ni Jonas, iniibig mo ba ako? Sinabi niya sa kaniya: Opo, Panginoon. Alam mong may paggiliw ako sa iyo. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Alagaan mo ang aking mga tupa. 

 


17

  Sinabi niya sa kaniya sa ikatlong pagkakataon: Simon, anak ni Jonas, may paggiliw ka ba sa akin? Nasaktan si Pedro sapagkat sinabi sa kaniya sa ikatlong pagkakataon, may paggiliw ka ba sa akin? Sinabi niya sa kaniya: Panginoon, alam mo ang lahat ng mga bagay. Alam mo na may paggiliw ako sa iyo. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Pakanin mo ang aking mga tupa. 

 


18

  Totoong-totoong sinasabi ko sa inyo, noong ikaw ay bata pa, ikaw ang nagbibihis sa iyong sarili. Lumalakad ka kung saan mo ibig. Gayunman, pagtanda mo ay iuunat mo ang iyong mga kamay. Iba ang magbibihis sa iyo at dadalhin ka sa hindi mo ibig. 

 


19

  Sinabi niya ito upang ipakahulugan kung sa anong kamatayan dapat niyang luwalhatiin ang Diyos. Pagkasabi niya nito, sinabi niya sa kaniya: Sumunod ka sa akin. 

 


20

  Paglingon ni Pedro, nakita niya na sumusunod ang alagad na inibig ni Jesus. Siya rin ang nakahilig sa dibdib ni Jesus nang sila ay naghapunan. Siya ang nagsabi, Panginoon, sino siya na magkakanulo sa iyo? 

 


21

  Nang makita siya ni Pedro ay sinabi kay Jesus: Panginoon, ano naman ang gagawin ng taong ito? 

 


22

  Sinabi ni Jesus sa kaniya: Kung iibigin kong manatili siya hanggang sa pagbalik ko, ano ito sa iyo? Sumunod ka sa akin. 

 


23

  Ang pananalitang ito ay kumalat sa mga kapatiran, na ang alagad na ito ay hindi mamamatay. Gayunman, hindi sinabi ni Jesus sa kaniya na hindi siya mamamatay. Ang sinabi niya, kung iibigin ko na siya ay manatili hanggang sa aking pagbabalik, ano ito sa iyo? 

 


24

  Ito ang alagad na nagpapatotoo sa mga bagay na ito at sumulat sa mga bagay na ito. Alam namin na ang kaniyang patotoo ay tunay. 

 


25

  Marami pa ring ibang mga bagay na ginawa si Jesus. Kung isusulat ng isa-isa ang mga ito, inaakala kong maging ang sanlibutan nga ay hindi makakakaya ng mga aklat na masusulat. Siyang mangyari! 

 


James 1

 

 

 

 

HTMLBible Software - Public Domain Software by johnhurt.com

 


Other Items are Available At These Sites: